Banga, Aklan
Ang bayan ng Banga sa lalawigan ng Aklan ay isa sa mga 3rd class na munisipalidad sa bansa. Ayon sa isinagawang census taong 2000, ito ay may 32,128 na populasyon na kinabibilangan ng 6, 469 na pamilya. Subalit ganito man kaliit at di-kataasang klase ng bayan, ang Banga ay makailang ulit na tinaguriang "Most Beautiful Town" sa mga pambansang patimpalak. Dito rin matatagpuan ang ipanagmamalaking edukasyong pangkarunungan sa lalawigan, ang Aklan State University.
Ang kasaysayan ng banga ay nagmula noong ika-15th siglo sa Panay kung saan dumating ang sampung datu galing borneo.Hanggang ngayon naniniwala parin ang mga banganhon na ang namuno sa kanila noon ay si Datu Manduyog.Ang pinakasentro ng kanyang pinamumunuan noon ay sa ilalim nga Bukid Manduyog na ipinangalan sa kanya.Pagkatapos ng matagumpay na Datung si Datu Dangandanan na namuno sa Akean noong 1390s,si Datu Manduyog ang namuno sa Akean noong 1437 at ginawang sentro o kapital ang Bakan.
Mga Atraksyon:
Saguibin Festival
Manduyog
Ang Town Hall ng Banga
Ang Simbahan sa Banga
Town Plaza
Massacre Monument
Ang Rotonda ng Banga
Aklan State University-Banga